Matthew 14:34-36

Pinagaling ni Jesus ang mga May Sakit sa Genesaret

(Mar. 6:53-56)

34Nang makatawid sila ng lawa, dumaong sila sa bayan ng Genesaret. 35Nakilala ng mga taga-roon si Jesus at ipinamalita nila sa mga karatig lugar na naroon siya. Kaya dinala ng mga tao kay Jesus ang mga may sakit sa kanila. 36Nakiusap sila kay Jesus na kung maaari ay pahipuin niya ang mga may sakit kahit man lang sa laylayan
laylayan: sa Ingles, tassel. Tingnan sa Bil. 15:37-39 at Deu. 22:12.
ng kanyang damit. At ang lahat ng nakahipo ay gumaling.

Copyright information for TglASD